Linggo, Enero 19, 2014

Jack's Ridge - Davao City

Travel Guide - Jack's Ridge Davao


Jack's Ridge

KASAYSAYAN NG JACK'S RIDGE

Ang Jack's Ridge ay naging parte ng himpilan ng mga Sundalong Hapones sa katapusan ng World War II. Dahil sa pagdating ng mga Amerikano, napilitan silang umatras. Nakarating sila sa Matina Hills kung saan tanaw na tanaw nila ang Golpo ng Dabaw na kinalalagyan ng mga barko ng mga Amerikano. Bagamat sila ay may lamang sa kanilang posisyon,hindi parin nila natalo ang pwersa ng mga Amerikano.





ANG JACK'S RIDGE NGAYON


Ang Jack's Ridge ay pamoso dahil sa napakagandang tanawin mula dito. Mula sa Ridge, makikita mo ang buong Davao at ang golpo nito .

Masasarap ang mga putaheng inihahain nila dito, medyo may kamahalan nga lang ngunit  siguradong sakto ito sa ating mga panlasa.

Kung naghahanap kayo ng katahimikan, maari kayong pumunta dito sa umaga o hapon. Kung gusto niyo naman ng magagandang musika at maningning na ilaw ng Dabaw, gabi ang tamang oras para dito.

Jack's Ridge sa Gabi


Jack's Ridge sa Umaga


Mayroong iba't ibang pasilidad ang Jack's Ridge para sa mga kabataan, tulad ng mga palaruan, pool, souvenir shop at isang representasyon ng nasirang eroplano ng mga Hapones.

 Monkey Bar

 Slide

Slide 

Kool Kat's Pool

Para sa mga nakakatanda naman, may mga resto o bar tulad ng Taklobo Restaurant,Kai's Bar and Grill,Karlo's Gourmet and Coffee at Tap Room Piano and KTV

 The Taklobo Restaurant

Tap Room Piano & KTV

Mayroon ding ibang mga gusali tulad ng Penmar Hall, Cottages at ang Amphitheater.



Hagdan papuntang Penmar Hall

Ilan sa mga tanawin mula sa Ridge




Byahe papuntang Jack's Ridge

Maaring sumakay ng tricycle papunta sa Ridge.
Ang pamasahe ay nasa 8-10 pesos.
Ibababa kayo ng tricycle sa Entrance ng Jack's Ridge.
May entrance fee na 20 pesos na kokolektahin ng Guard.
Pagkatapos nito,pwede na kayong maglibot sa buong Ridge at bumili ng kahit anong gusto niyo.

Aming Karanasan

Dahil nga unang beses kong makapunta doon sa Ridge, hindi ko alam kung saan sasakay ng tricycle kaya't naglakad lamang kami.Ngunit, sa kalagitnaan ng aming paglalakad,(dahil kulang kami sa ehersisyo) napilitan naming mag-taxi papunta doon.
Ilan sa mga madadaanan doon ay ang mga Stations of the Cross.







Isa ang Jack's Ridge sa mga makasaysayang lugar dito sa Dabaw kaya't kung gusto niyong matuto at magsaya sa aparehong pagkakataon, ito ang pinakaakmang lugar na puntahan kapag magbabakasyon dito sa Siudad ng Dabaw.

Para sa karagdagang mga impormasyon, tumawag lang sa :



 Address:
Jack's Ridge Resort and Restaurant Corp.
Shrine Hills, Matina, Davao City 8000
Philippines
Telephone:63.82.2978830 to 31
Telefax:63.82.2976535
Email:info@jacksridgedavao.com






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento